You are currently viewing Unang Lathalain

Unang Lathalain

Noong 1936, panahon ng Komonwelt, dahil sa Pilipinisasyon ng burukrasya, nagsimula ang Abiva Publishing House bilang isa sa mga unang tagapaglathala ng mga babasahin para sa pag-aaral ng eksaminasyon sa serbisyo sibil. Ilan sa mga unang aklat nito ay ang Civil Service Reviewer for Junior Patrolmenat Civil Service Reviewer for Senior Teachers, na naging mahalagang gabay para sa mga nagnanais maging empleyado ng pamahalaan. Malaking tulong ang mga lathalaing ito sa mga aplikante sa iba’t ibang larangan, lalo na sa paghahanda para sa mga pampublikong posisyon