Ang Kamalayang Panlipunan ay bahagi ng serye ng mga aklat sa Araling Panlipunan na nakabatay sa pinakabagong kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon—ang MATATAG Kurikulum.
Layunin ng seryeng ito na mapalalim ang pag-unawa at pagmamalaki ng mga mag-aaral sa kanilang pagka-Pilipino. Layon linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral na maging mapanuri, malikhain, at makipag-ugnayan nang may kultural na kamalayan at malasakit sa kapwa at pamayanan. Tinatampok nito ang mahahalagang konsepto sa heograpiya, kasaysayan, ekonomiya, pamamahala, at pagpapahalaga upang mahubog ang kanilang kamalayang makabansa.